Paano ba magsulat ng awit o tula
Kung ang inspirasyon ay wala
Tila kay hirap lumikha ng diwa na may tugma
Nang may lamang hiwaga at kahanga-hanga
Paano magpahayag ng damdamin sa makatang pamamaraan
Kung ang diwa ay tila hindi alam kung nasaan.
Pagkat ang isip ay nananamlay
At tila walang buhay.
O asul na rosas liyag ng kulay rosas na paru-paro
Ika'y inaasam pagkat ika'y sinisintang totoo
May dalawang buwan na ng ito'y huminto sa panunuyo sa'yo
Ngunit hindi matiis pagkat ikaw ang tibok nitong puso.
Sa loob ng panahong iyon ng pagdidili-dili
Tila ang paru-paro'y nananabik sa iyong pagkakandili.
Ngunit ano at paano ang gagawin para iyong mabatid
Na nais niyang lumipad sa iyong paligid.
Unti-unti ng nagkakadiwa ang tulang nililikha
Sapagkat ang inspirasyon ay unti-unti na ring nagpapakita
Ngunit tila kulang at bitin ang mga salita nitong tula
Pagkat ang sumusulat ay tila nangungulila sa irog na sinisinta.
Siya ang paru-parong nais muling umaligid
Sa asul na rosas na walang katulad sa buong paligid
Makatagpo man ng marikit na bulaklak
Tila hindi maipagpapalit kahit sa ginto't pilak
Pagkat ang malalim na pagsasama ay hindi matutumbasan
Nang kahit sinu na lang na may taglay na kagandahan.
Matalim at tila wakas na ang ganitong mga pananalita
Ito'y marahil ang may-akda ay walang magawa.
Burung-buro na sa bahay sa pagkabagot
At sa ganitong paraan mahimasmasan mula sa pagkabagot.
Wednesday, April 21, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)