O aking kaluluwa anu ba ang iyong hanap?
Lagi na lang malalim ang iniisip para bagang na-hold-up
Gulung-gulo ang iyong isip
Bakit di ka kaya humalukipkip?
Baka sakaling sa iyong pagtahimik, maya-maya ikaw ay humihilik
Sa iyong paghimbing,ipahinga ang isip
Sa mga bagabag ay lumayo saglit ay managinip
Nang ang di malirip na kalungkutan
Ay pansamantalang mapalitan
Di mo malaman kung ano ang iyong gusto
Pagkat ang isip at puso mo'y litung-lito
Naghahanap ka ng kalinga sa iyng rosas na nililiyag
Ngunit kahit anung iyong gawin puso niya'y di mo mabihag
Pagkat kapwa ang isip niyo'y binabagabag
O mahal na Panginoon, na may likha ng lahat
Ang aking mga bagabag ay sa iyo ko inaakyat
Pawiin mo sana kalungkutang nadarama
Ang iyong kalooban akin nawang makuha
Anong lungkot at takot sa pakiramdam ng nag-iisa
Para kang inilagay sa hardin ngunit wala kang mata
Kahit na kasama mo na ang iyong rosas na sinisisnta
Ni imik at kibo ayaw ipakita
Mainam pa na hindi na lang binisita
O aking dalangin, ako sana'y kausapin
Pagkat ang dila ko'y ibig magpapansin
Ang diwa ko'y nais nang magbahagi
Ng mga kuru-kuro at pagkakandili
Ang mga mata ko'y nais ng lumuha
Pagkat ang lungkot ay hindi na mabata
Baka sakaling sa pagtulo ng aking luha
Ang pakiramdam ko'y gumaan bigla
At ang inaasahan na tuwa ay dumating na sana
O kaligayahan ng puso nasaan ka na?
Bakit hindi sa akin magpakita?
Nais kong sa lungkot na nagpaparusa
Upang magpahilom sa sugat ng aking kaluluwa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment