Isang umaga may isang naka-handusay na pulubi sa kalye. Ang pulubi na ito ay nagulpi ng mga sindikato,ninakawan pa ng napaglimosan niya,
May dumaan na Obispo, naksakay sa kotse, nakita ang pulubi, naawa, ngunit may misa siyang pupuntahan, dahil ayaw niya ma-late umalis,dahil nakakahiya bishop pa man din late.
May pastor na naglalakad, papunta siya ng kanyang bahay sambahan, nakita at naawa sa pulubi hinawakan pa, kaso ng makitang madumi umalis dahil madudumihan barong niya,hindi na sya magmumukhang kagalang-galang sa mga makikinig ng preaching niya.
Ngunit, may isang bugaw o ung babae nagbibigay aliw sa bar ang dumaan, kagagaling lng sa trabaho kagabi, nakita ang pulubi, naawa,at sinubukan na pasanin, tumawag ng taxi, isinakay ang pulubi sa taxi at ipinagamot, gamit ang pera na kinita niya kagabi.
Alin ang mas nakakhiya? alin ang mas kagalang-galang?
Wednesday, September 8, 2010
Ang Higit na Mabuti
Tayong mga Pilipino ay may mga nakagisnang mga tradisyon at kultura lalo na sa kagandahang asal. Maganda at mabuti ang panatilihin ang ganoong mga gawi sapagkat magaganda at mabubuti ang mga kahulugan ng mga iyon.
Ngunit ang mga ito, talagang nga bang maganda at mabuti kung napananatili ang pagsasagawa ngunit ang kahuluga'y nawawala?
Halimbawa ay sa paggalang:
Gumamit ka ng po at opo sa iyong pagsasalita,
Gumamit ka ng titulo ng pagtawag, gaya ng Sir o Mam, Ginoo at Ginang kung kausap mo sila at ika'y nasa kanilang tanggapan o kaya ay pag kausap ang mga nakatatanda.
Magmano ka sa nakatatanda.
Dahil kapag hindi mo iyon ginawa hindi ka magalang.
Ngunit, kagalang-galang pa ba kung gumamit ka man ng mga wikain na po at opo ng kaharap, kung pagtalikod naman minura mo,
Tinawag mo ng Sir o Mam, kung siya'y guro, habang nagtuturo,maingay ka naman,
o kaya ika'y nagmano sa matanda,pinagsalitaan mo naman ng hindi maganda.
Magbihis ka ng maayos sapagkat diyan makikita kung ano ang kagandahan ng personalidad mo. Pag madumi at hindi maayos bihis mo, hindi maganda ang personalidad mo.
May tamang kalalagyan ito, kung sa opisina paaralan,kumbento,talagang may uniporme to,maganda at maayos ang bihis ng mga tao dito, mukhang kagalang-galang at mabubuting tao.
Pero maganda pa rin ang personalidad kung may magagandang bihis nga,naka-barong at amerkana pa minsan,, kurakot naman,mapagmata sa kapwa, mapanghusga.
Magsimba ka o sumamba at magdasal pagkat ito'y gawaing kabanalan. Pag hindi makasalanan ka,nababawasan ang pagiging Kristyano mo.Hindi ka mapupunta sa langit
Paano naman ung simba nga ng simba, dasal ng dasal, kabisado pa ang bibliya, hindi naman marunong magpakatao, bastos, salbahe, at barubal ang pag-uugali. meron dyan hindi nagsisimba o nagdarasal ngunit taos sa puso naman ang paglilingkod sa kapwa.Di ba mas Kristyano un?
Si Kristo na rin nagwika ayon sa Bibliya, magmahalan kayo,gaya ng pag-ibig ko,ang sinuman sa inyo ang maglingkod, kahit ang magbigay ng isang basong tubig sa isang kapwa na nauuhaw,ika'y gagantimpalaan ng buhay na walang-hanggan.
Hindi naman masama ang pagsunod sa mga tradisyon,kustumbre, at mga bagay na sinusunod upang mapanatili ang kultura at lipunan.
Ngunit di ba higit na mahalaga ang pagpapanatili ng mga magagandang aral at kahulugan na meron ang mga iyon?
Di ba't higit na mas nagiging mabuti kang tao at mabuting taga-sunod ng iyong relihiyon kung ika'y nakapaglilingkod bilang tao sa iyong kapwa tao?
Alin ba ang higit na mabuti?

Monday, July 5, 2010
Dalawang Mukha ng Katotohanan at Mabuting Halimbawa
Minsan isang lunes ng tanghali, ako'y papunta ng eskwelahan. Sumakay ako sa isang jeep (karatig). Hindi pa nakalalayo ng andar ang jeep may dalawang batang mag-aaral na nasa tabi ng daan ang biglang sumigaw ng ganito: "Kuya pasabit naman!" Nasabi na lang ng driver, "Kakaawa naman, sige na nga, pasok na kayo, kung di lang maiinit." Samakatwid hindi na pinasabit ng driver ang dalawang bata bagkus pinasakay na niya ito sa loob ng walang bayad. Binaba na lamang niya ang dalawang bata sa tapat ng eskwelahan.
Sa di ko maipaliwanag na dahilan may naramdaman ako sa tagpong ito. hindi ko alam kung ano pero ito ang nakita ko.
May dalawang bata na pursigidong mag-aral kahit kainitang tapat, wala mang baon, ngunit handang makipagsapalaran para makapasok sa eskwelahan.
May isang driver na marahil mamasada pa lang ng mga oras na yun at ako pa lang ang pasahero, wala pa siyang kita pero bunsod ng habag nakagawa siya ng mabuti sa dalawang batang iyon. Hindi man siya mayaman pero sa pagkakataong iyon ay dalawang bata ang napaligaya niya.
Dalawang mukha ng katotohanan at kabutihan ng loob. Parehong partido nagdaranas ng kasalatan sa buhay, ngunit hindi naging hadlang para magpakita ng kabutihan.
Mapalad ako sa pagkakataong iyon na naksakay ako sa jeep na iyon. Nakasaksi ako ng magandang tagpo na harinawa ang aking hiling, ay maging tagpo rin sa buhay ng bawat tao.

Wednesday, April 21, 2010
Bagot
Paano ba magsulat ng awit o tula
Kung ang inspirasyon ay wala
Tila kay hirap lumikha ng diwa na may tugma
Nang may lamang hiwaga at kahanga-hanga
Paano magpahayag ng damdamin sa makatang pamamaraan
Kung ang diwa ay tila hindi alam kung nasaan.
Pagkat ang isip ay nananamlay
At tila walang buhay.
O asul na rosas liyag ng kulay rosas na paru-paro
Ika'y inaasam pagkat ika'y sinisintang totoo
May dalawang buwan na ng ito'y huminto sa panunuyo sa'yo
Ngunit hindi matiis pagkat ikaw ang tibok nitong puso.
Sa loob ng panahong iyon ng pagdidili-dili
Tila ang paru-paro'y nananabik sa iyong pagkakandili.
Ngunit ano at paano ang gagawin para iyong mabatid
Na nais niyang lumipad sa iyong paligid.
Unti-unti ng nagkakadiwa ang tulang nililikha
Sapagkat ang inspirasyon ay unti-unti na ring nagpapakita
Ngunit tila kulang at bitin ang mga salita nitong tula
Pagkat ang sumusulat ay tila nangungulila sa irog na sinisinta.
Siya ang paru-parong nais muling umaligid
Sa asul na rosas na walang katulad sa buong paligid
Makatagpo man ng marikit na bulaklak
Tila hindi maipagpapalit kahit sa ginto't pilak
Pagkat ang malalim na pagsasama ay hindi matutumbasan
Nang kahit sinu na lang na may taglay na kagandahan.
Matalim at tila wakas na ang ganitong mga pananalita
Ito'y marahil ang may-akda ay walang magawa.
Burung-buro na sa bahay sa pagkabagot
At sa ganitong paraan mahimasmasan mula sa pagkabagot.

Saturday, January 9, 2010
The Irony of Being a Psychologist
I began to have an interest in Psychology when I was in my second year of Philosophical studies as a seminarian. It was triggered when the superior happened to have a graduate study abroad in this field of discipline. I have been wondering and having that feeling of awe when it comes to knowing what is in the mind of people and catching them through their behavior before they say something. This interest grew wider when I learned that through this field and if i could have the ability like a psychologist, I could help people heal their inner wounds. However, later did I know that through this I could learn more about myself.
When I left the seminary, my plan for studies was to enroll the course and pursue the study. As I learn more and have been acquiring a lot of ideas, information or knowledge, of which I hoped could be harnessed into wisdom, things were becoming more complicated than before.
Studying Psychology is not more of understanding others alone, but more of understanding first the self, so that understanding others is better achieved. It is very ironical sometimes, that professionals who were trained in this field, such as counselors, HRD staff in a company are very good in doing their job of helping others to know themselves; but pitiful that they can't solve their own problems. And I share similar situation.
It is very easy, especially if you know a little about observing, analyzing and even manipulating other individual's behavior, but it is very hard to apply it to the self. Why is it like that? Does this really mean that truly doctors cannot cure their own sickness?
On the contrary, optimistically, as I reflected on it, maybe this is God's way of telling me, "It is not good for man to be alone." Man needs someone other than himself. It simply means "No man is an island." For God created humans as unique persons but sociable beings who needs the love and affection of others.

Subscribe to:
Posts (Atom)