Tayong mga Pilipino ay may mga nakagisnang mga tradisyon at kultura lalo na sa kagandahang asal. Maganda at mabuti ang panatilihin ang ganoong mga gawi sapagkat magaganda at mabubuti ang mga kahulugan ng mga iyon.
Ngunit ang mga ito, talagang nga bang maganda at mabuti kung napananatili ang pagsasagawa ngunit ang kahuluga'y nawawala?
Halimbawa ay sa paggalang:
Gumamit ka ng po at opo sa iyong pagsasalita,
Gumamit ka ng titulo ng pagtawag, gaya ng Sir o Mam, Ginoo at Ginang kung kausap mo sila at ika'y nasa kanilang tanggapan o kaya ay pag kausap ang mga nakatatanda.
Magmano ka sa nakatatanda.
Dahil kapag hindi mo iyon ginawa hindi ka magalang.
Ngunit, kagalang-galang pa ba kung gumamit ka man ng mga wikain na po at opo ng kaharap, kung pagtalikod naman minura mo,
Tinawag mo ng Sir o Mam, kung siya'y guro, habang nagtuturo,maingay ka naman,
o kaya ika'y nagmano sa matanda,pinagsalitaan mo naman ng hindi maganda.
Magbihis ka ng maayos sapagkat diyan makikita kung ano ang kagandahan ng personalidad mo. Pag madumi at hindi maayos bihis mo, hindi maganda ang personalidad mo.
May tamang kalalagyan ito, kung sa opisina paaralan,kumbento,talagang may uniporme to,maganda at maayos ang bihis ng mga tao dito, mukhang kagalang-galang at mabubuting tao.
Pero maganda pa rin ang personalidad kung may magagandang bihis nga,naka-barong at amerkana pa minsan,, kurakot naman,mapagmata sa kapwa, mapanghusga.
Magsimba ka o sumamba at magdasal pagkat ito'y gawaing kabanalan. Pag hindi makasalanan ka,nababawasan ang pagiging Kristyano mo.Hindi ka mapupunta sa langit
Paano naman ung simba nga ng simba, dasal ng dasal, kabisado pa ang bibliya, hindi naman marunong magpakatao, bastos, salbahe, at barubal ang pag-uugali. meron dyan hindi nagsisimba o nagdarasal ngunit taos sa puso naman ang paglilingkod sa kapwa.Di ba mas Kristyano un?
Si Kristo na rin nagwika ayon sa Bibliya, magmahalan kayo,gaya ng pag-ibig ko,ang sinuman sa inyo ang maglingkod, kahit ang magbigay ng isang basong tubig sa isang kapwa na nauuhaw,ika'y gagantimpalaan ng buhay na walang-hanggan.
Hindi naman masama ang pagsunod sa mga tradisyon,kustumbre, at mga bagay na sinusunod upang mapanatili ang kultura at lipunan.
Ngunit di ba higit na mahalaga ang pagpapanatili ng mga magagandang aral at kahulugan na meron ang mga iyon?
Di ba't higit na mas nagiging mabuti kang tao at mabuting taga-sunod ng iyong relihiyon kung ika'y nakapaglilingkod bilang tao sa iyong kapwa tao?
Alin ba ang higit na mabuti?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment